“… Naririto tayo ngayon bilang isang sambayanan na ang pagtugon at pagsagot sa mga paratang ay isang obligasyong moral. Ang impeachment ay isang obligasyong moral kaya maraming sa hanay ng simbahan na kasama niyo ngayong hapon dahil naniningdigan kami na kailangan natin ang obligasyong moral. Kaya kami mga pastor niyo na naniningdigan at naniniwala na kailangan natin ang obligasyong moral sa panahong ito ay kayang tumayo at lumapit sa ketong na ito. Samahan niyo po kami, huwag niyo kami iwan, huwag niyo kaming pabayaan Kasama namin kayo sa dasal, kasama namin kayo sa lahat ng hakbang na ating isinusulong. Pero hindi ito magtatagumpay kung katulad din ang maraming mga Pilipino patuloy tayong magpakaloko, patuloy tayong mananahimik at patuloy tayong magsasabing wala nang pag-asa ang ating bansa.”
“… sa pagtanggap natin kay Jesus sa kanyang katawan at dugo ibulong natin sa kanya sa ating pagdasal Panginoon, katulad ng pagpapagaling mo sa ito ng mundo nais ko rin maging daluyan ng kagalingan para sa sakit ng sambayanan at hayaan mo na ako mismo, isang Pilipino na nagsasalita, naniniwala at umaasa na magbabago pa rin ang Pilipinas. Kumapit na po tayo, hindi tayo pinababayaan ng Diyos. Hindi po tayo magiging ganito karami kung kokonti lamang ang naniniwala sa ating adhikain.”
“Hindi po ganito karami ang maglalahad ng kanilang sama ng loob ng kanilang lamentasyon, ng kanilang pag-asa na sana isang araw katulad ng ketongin, gigising din tayo at sasabihin natin magaling na ang sambayan ng Pilipinas. Malayo na tayo sa korupsyon at hayaan natin ipaliwanag ng mga tao dapat managot kung saan nila dinala ang pera ng bayan dahil ito ay ang ating obligasyon moral.”
Amen