#EDSA@40

EDSA 40th Anniversary - February 25, 2026

"Kaya tayo naririto. Kaya kailangan laging sariwain ang diwang nagpasiklab nito noong 40 years ago. Wala hong shortcut sa pagitan ng Eypto at promised land. Ayon sa bibliya, it's a long road to freedom. It took 40 years makabuluhanagdiriwang natin ng edibig sabihin malapit na tayo sa bukana ng promis land ng isang bagong matatag at tunay na maunlad na Pilipinas. Namulat tayo na hindi pala automatic na magbabago na lahat kapag binago na ang konstitusyon. Hindi pa lubos na matatagga demokratikong institusyon na naitatag natin. Hindi pala sapat na batas lang at mga patakaran ang ating baguhin. Hindi pala tayo pala ang dapat magbago dahil tayo din ang mismong magpapabago sa takbo ng ating lipunan tungo sa isang bansang ang pangakong pag-unlad ay patas para sa lahat."

Cardinal Virgilio "Ambo" David

Mula sa rebolusyon laban sa kolonyalism Espanyol hanggang sa people laban sa diktadura. Iisa lang ang diwa. Isang bayang tumatangging manahimik.

“Minamahal kong mga kapatid at mga kababayan. Hindi naman ang edmo ang pinagdiriwang natin ngayon kundi ang nangyari kalsadang ito noongero 25 1986 eksaktong 40 years ago nang napanumbalik ang kalayaan at demokrasya sa Pilipinas ang taon ng diktad sa isang mapayapang paraan hindi ang kalsada kundi ang diwang nakaugnay dito ang mahalagang balikan natin. Tandaan natin ang sinabi ng ating bayaning si Jose Rizal ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan. Alam niyo po ako ay obispo ng Caloocan. Hindi na po ako presidente ng Catholic Bishops Conference of the Philippines. Natapos ang term ko last December 2025. Pero pinangako ko sa inyo ang buong Catholic Bishops Conference of the Philippines ay kasama ng EDSA People Power ngayong araw na ito. Sa iba’t ibang dako ng kapuluan sa buong Pilipinas, may kani-kanyang mobilizations ang iba’t ibang mga dioces sa buong Pilipinas. po ako’y obispo at naroonin ang bukana ng edantay ni Bonifacio kaya parang pinagdurugtong ng edsa ang dalawang yugto ng ating kasaysayan ang Balintawak ng ng 1896 at ang EDSA ng 1986.

Mula sa rebolusyon laban sa kolonyalism Espanyol hanggang sa people laban sa diktadura. Iisa lang ang diwa. Isang bayang tumatangging manahimik. Dito sa EDSA, binago natin ang kahulugan ng rebolusyon. Hindi sandata ang ating hawak kundi paninindigan. Hindi galit ang nagtulak sa atin kundi pag-ibig. Pag-ibig sa bayan. Aminado tayo hindi perpekto ang ibinunga ng diwang ito pero nananatili itong makapangyarihan dahil ibinabalik tayo nito sa isang simpleng katotohanan. Ang tunay na lakas ng demokrasya ay nagmumula sa mga mamamayan. Pero maging tapatay pa ho matatag ating demokrasya pa kapag ang pulitika ay umiikot pa rin sa patronage at ayuda kapag iilang pamilya lamang ang paulit-ulit na namumuno kapag ang pondo ng bayan ay napupunta lang sa bulsa ng iilan at kapag ang mahihirap ay nananatiling dehado sa hustisya hindi pa totoong matatag ang ating demokrasya hindi tayo matatag kapag may mga leader na nagkukunwaring laban sa droga, kriminalidad at korrupsyon pero wala namang paggalang sa batas at mga karapatang panta tao.

Ayaw na nating maulit ang bangungot ng pekeng gyera kontra droga at madugong patayan sa ating mga kalsada ng biktima ay ang mga dukha. Hindi pa matatag ating demokrasya kapag hindi napapanagot ang mga nangaabuso ng kapangyarihan. Mga kapatid, kung may aral man tayong dapat bitbitin mula sa 40 taon ng ating kasaysayan, ito yon. Ang mga aral na natutunan natin sa nakaraang apat na dekada sana’y gumabay sa atin at ang mga pagkakamali natin sa nakaraang apat na dekada. Sana huwag na nating ulitin.

Tandaan naman, tandaan naman natin ito lalo na sa 2028. Kaya narito tayo ngayon sa EDSA at 40 hindi lang para gumunita kundi upang magtanong. Matapos ang dalawang nakaraang trilyon March, huwag tayong humintong magtanong. Sabi nga ng mga kabataan, anyari? Pakiulit nga, anyari. Nasaan na ba ang pinangakong makukulong bago December? Anyyari? Anyari? Akala ba ninyo pwede na tayong bumalik sa business as usual? Hindi po. Narito tayo hindi para gumawa lang ng ingay kundi para sabihin sa mga kinauukulan. Hindi patapos ang usapan. Hindi pa tayo business as usual kung may iisang panawagan ang araw na ito. Ito yon dahil doon nabubuhay ang katiwalian doon namamatayang pananagutan.

Kapag inuulit-ulit lang natin ang mga pagkakamali at mabilis tayong makalimot. Mga kababayan, ang bayang marunong magbaliktanaw, ang bayang hindi takot magtanong, ang bayang humihingi ng resibo ay bayang hindi mawawalan ng pag-asa. Ang pinangarap natin sa EDSA ay hindi pa lubos na natutupad. Ito po ay isang work in progress.

Kaya tayo naririto. Kaya kailangan laging sariwain ang diwang nagpasiklab nito noong 40 years ago. Wala hong shortcut sa pagitan ng Eypto at promised land. Ayon sa bibliya, it’s a long road to freedom. It took 40 years makabuluhanagdiriwang natin ng edibig sabihin malapit na tayo sa bukana ng promis land ng isang bagong matatag at tunay na maunlad na Pilipinas.

Namulat tayo na hindi pala automatic na magbabago na lahat kapag binago na ang konstitusyon. Hindi pa lubos na matatagga demokratikong institusyon na naitatag natin. Hindi pala sapat na batas lang at mga patakaran ang ating baguhin. Hindi pala tayo pala ang dapat magbago dahil tayo din ang mismong magpapabago sa takbo ng ating lipunan tungo sa isang bansang ang pangakong pag-unlad ay patas para sa lahat.

May paggalang sa karapatang pantao sa integridad ng kalikasan. naninindigan para sa kasarinlan, katarungang panlipunan at kapayapaan. ito isang impossible dreamag-give up malayo ang nalalakbay natin sa huwag tayong magpapatalo sa pagkasira ng loob tayo’y tinawag na manatiling mabuting halimbawa sa sanday

Huwag nating kalilimutan ang awit na ibinunga ng EDSA. Naalala niyo ang awit handog ng Pilipino sa mundo. Mapayapang paraang pagbabago. Katotohanan, kalayaan, katarungan ay kayang makamit ng walang dahahas’t magkaisa. Tayong lahat. Mabuhay ang sabayanang Pilipino”

KAYO NAMAN!

“Matatanda na kaming mga tumindig dito sa EDSA; patay na ang iba sa amin. Kayo naman, mga kabataan! The torch passes. Rise as true patriots!

Young people and children, kayo naman! Don’t chase viral posts like dumb goats. Think critically—question, discern, kill lies before sharing. Form consciences by truth, not algorithms, as our Church teaches: evaluate leaders by defense of life and justice, not fleeting trends. Be the light that pierces fake news darkness!
Urban poor and rural poor, kayo naman! Reject movie idols to be lawmakers—ang para sa pelikula ay hindi para sa senado at lalong hindi pang Malacanang! This sacred task demands servants of the common good, hindi mga artistang kinakatuwaan sa pagsayaw sa ating miting de avance. Learn from Dolphy. Subsidiarity calls you: local voices build nation, protecting family and neighbor from exploitation.
Young professionals and young parents, kayo naman! Live honestly—no tax cheats; no bribes to traffic enforcers. Starve trolls; don’t feed fake news, making their lies jobless. In homes, do not lie to your children and punish your children when they lie to you. Integrity at home shapes politics: reject intrinsic evils like corruption that wounds the poor. Build families as temples of truth!
Young politicians, kayo naman! Shun political dynasties and epal culture—billboards of vanity. Enter politics poor, leave poorer, richer in virtue. Public service is lofty charity, pursuing justice over power. Faith demands: transform parties by morals; do not let them corrupt you. Exorcise the devils of the party list system!
Historians and academe and journalists, kayo naman! Tell EDSA’s full story—prayer, people, peace victorious. Reject revisionism; only truth heals wounds, not historical cosmetics. As guardians of memory, echo this basic wisdom: without historical truth, society drifts to totalitarianism.
Young businessmen, kayo naman! Honest dealings profit all—respect workers as partners, not mere hires. Balance power justly; unions correct greed. Solidarity binds us: dignity of labor mirrors Christ’s. Honest business makes good profit.
ICC at The Hague, kayo naman! Bring to justice the murderers of drug users who also murdered our national virtues and values. Help us restore justice and order in this land that has lost its virtues. Our justice system is defective not ideal. The political will is weak, not ideal. Irresponsibility and immaturity hover over our land, far from ideal. We are way down below the ideal. ICI Kayo naman. Sanaol na! Now na! Inip na kami!”
Mga corrupt and mga kasabwat ng corrupt. Kayo naman! Kayo naman ang dapat alisin sa gobyerno katulad ng diktador na inalis ng bloodless People Power!
Mga Tsinador at mga hindi alam ang ibig sabihin ng forthwith at pini-pilipit ang impeachment process, kayo naman! Kayo naman ang mag resign katulad ng nag resign noong EDSA Dos! Ginhawa sa bayan kung walang tulad ninyo sa gobyerno.”
 

PUSO!
Speech of Bishop Gerardo Alminaza sa Edsa Shrine protest

Forty years ago, bumaha sa EDSA.

Hindi baha ng tubig, kundi baha ng tao. Baha ng tapang at baha ng konsensya.

Ordinaryong Pilipino ang pumuno sa kalsadang ito dahil ramdam nila na hindi na puwedeng tiisin ang injustice.

Hindi sila armado, pero matatag sila. Hinarap nila ang tangke gamit lamang ang rosaryo at panalangin.

They reclaimed democracy with moral conviction.

EDSA was a flood that washed away fear.

At hanggang ngayon, malinaw ang mensahe: Everyone is welcome here.

Ang EDSA ay hindi pag-aari ng anumang partido o administrasyon. Hindi ito pag-aari ng iisang henerasyon.

Pag-aari ito ng taumbayan. Hindi ito simpleng traffic issue. Hindi ito puwedeng i-regulate na parang ordinaryong lugar lang.

Naging makasaysayan ito dahil dito ginamit ng mamamayan ang kanilang civil liberties — the freedom to assemble, to speak, to pray, and to demand accountability — peacefully but firmly.

Kapag bukas ang democratic space, lumalakas ang bansa. Kapag sinisikil ito, humihina ang demokrasya. Ang kinabukasan ng bansa ay hinuhubog ng boses ng mamamayan.

Pero ngayon, marami tayong nararanasang baha.

May literal na baha. Tubig-baha dahil sa climate change at environmental destruction. Kapag kinakalbo ang bundok, kapag tuloy-tuloy ang pagmimina na walang malasakit, ang mahihirap ang unang naaapektuhan.

May baha ng korapsyon. Pondo para sa flood control projects, ospital, edukasyon, pabahay — nawawala. Pondo para makalikha ng trabaho, ibinubulsa.

Transparency is promised, pero kulang. Accountability is demanded, pero bitin.

May baha ng kahirapan. Ang mga manggagawa, kayod nang kayod, pero kulang pa rin ang sahod.

Contractual, walang security of tenure. Marami ang napipilitang mangibang-bansa para lang mabuhay nang maayos ang pamilya.

May baha ng land injustice. Indigenous peoples are defending their ancestral lands laban sa land grabbing at destructive projects na walang tunay na consent. Farmers remain landless. Urban poor communities are displaced without lasting solutions.

At ngayong ika-40 taon ng EDSA, hindi puwedeng mawala sa usapan ang ating mga kapatid na walang tahanan. We have millions of homeless Filipinos, at ang ilan sa kanila ay sa kahabaan ng EDSA nakatira.

May mga Pilipino na sa kalsada natutulog, sa bangketa nabubuhay, at araw-araw nakararanas ng gutom, discrimination, at violence. Madalas hindi sila napapansin. Madalas hindi sila naririnig.

Pero kung totoo ang diwa ng People Power, dapat may espasyo ang kanilang boses sa ating pagtitipon.

The measure of our democracy is how we treat those with the least protection.

Kung may baha ng kahirapan at injustice, dapat mas malakas ang ating solidarity — hindi lang awa, kundi dignity, inclusion, at pagkakataong marinig ang kanilang kuwento.

May baha rin ng human rights violations. Red-tagging na naglalagay sa panganib sa buhay ng mga lider-komunidad, church workers, at journalists. Extrajudicial killings na patuloy na sumusugat sa maraming pamilya. Enforced disappearances na hanggang ngayon, wala pa ring malinaw na sagot.

Hindi ito hiwa-hiwalay na issues. These are structural injustices. Mga kasamaan na nagiging normal dahil hinahayaan ng sistema. TOLERATED EVILS!

Apatnapung taon na ang nakalipas, ang sigaw sa EDSA ay dignity, accountability, freedom from abuse of power. At ang sigaw na iyon, hindi pa rin nawawala.

Naririnig natin ito sa mga manggagawang humihingi ng living wage. Naririnig natin ito sa mga katutubo na nagtatanggol ng lupa.

Naririnig natin ito sa mga pamilya ng mga biktima na naghahanap ng hustisya. Naririnig natin ito sa mga kabataang gustong magkaroon ng mas maayos na kinabukasan.

Ngayon, ang proceedings sa International Criminal Court kaugnay ng war on drugs ng dating Pangulong Rodrigo Duterte ay itinuturing ng marami bilang isang significant step toward breaking the culture of impunity.

Hindi ito tungkol sa paghihiganti. Ito ay tungkol sa pananagutan. Ito ay paalala na walang sinuman ang above the law, at mahalaga ang buhay ng mahihirap.

Pero ang accountability ay hindi dapat nakatali sa isang kaso lang. Dapat maging kultura ito.

Kung may baha ng korapsyon at injustice, dapat mas malakas ang baha ng ating response.

Let us flood the streets — hindi para manggulo, kundi para magpahayag nang mapayapa laban sa korapsyon at kawalan ng katarungan.

Let us flood social media with truth, hindi disinformation or misinformation. Let us flood the social media with hope, and not hate.

Let us flood our workplaces with integrity at paninindigan para sa just wages at humane working conditions.

Let us flood our communities with solidarity para sa Indigenous peoples at mga magsasaka.

Let us flood our institutions with demands for transparency at tunay na reporma.

Let us flood our homes and churches with courage — tapang na magsalita kapag may mali.

Noong January, nagsama-sama ang mga grupo mula sa iba’t-ibang sektor kabilang ang simbahan, mga manggagawa, urban poor, katutubo, magsasaka, kababaihan, at kabataan.

During this convergence, we agreed to use the term, Hayuma o Paghahayuma. It is a Visayan word.

At para sa mga mangigisda, Hayuma is when torn nets are patiently mended so they can cast them again into the sea — a quiet, shared work of repairing what was damaged so life and livelihood may continue.

In the same way, Hayuma in the pastoral sense is about mending what injustice has torn — restoring dignity, rebuilding trust, and repairing broken social structures together so communities can thrive again.

Sa Hayuma, malinaw: charity is not enough. Hindi sapat ang relief. Kailangan baguhin ang sistema. Feeding the hungry is urgent. Making sure they are not made hungry again — that is justice.

Sa Apostolic Exhortation ni Pope Leo XIV na Dilexi Te, pinaaalalahanan tayo: “I have loved you.” Ang pag-ibig na iyon ay hindi passive. Love must defend life. Love must protect the vulnerable. Love must demand accountability. Love must shape public life.

Forty years ago, binaha ng tao ang EDSA at nabawi ang demokrasya.

Ngayon, tinatawag tayong maging bagong baha — peaceful but persistent, firm but responsible, rooted in faith, guided by conscience.

Habang ang panawagan natin ay “Lahat ng sangkot, ay dapat managot!”

Panawagan din natin na “Lahat ay dapat makisangkot, lahat tayo ay tinatawag na maging baha kontra inhustisya!”

Ang EDSA ay hindi lang alaala ng nagawa natin noon. Ito ay tanong sa atin ngayon: Ano ang gagawin natin?

May we not only remember the 1986 EDSA People Power Uprising.

May we practice it — with courage, discipline, and love — hanggang ang structural injustice ay mapalitan ng dignity, accountability, at hope para sa lahat.

Maraming salamat. God bless our people and our nation.

+Bishop Gerardo Alminaza

President, Caritas Philippines

 

From Across the Country

Antipolo City Gov

February 25 at 6:00 PM ·

Ang buong Pamahalaang Lungsod ng Antipolo ay nakikiisa sa buong sambayanan sa paggunita ng ika-40 na Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ngayong araw.

The Roman Catholic Archdiocese of Cebu

The Freeman 

LOOK: Marking the 40th anniversary of the EDSA People Power Revolution, Cebu Archbishop Alberto Uy called on Filipinos and the nation’s leaders to renew their moral courage, confront corruption, and safeguard the country’s fragile freedom.

In his homily during the commemorative Mass, Archbishop Uy reflected on the historic events of February 25, 1986, describing EDSA as a moment when the Philippines became “a model and a light to the world.”

“Forty years ago, something happened in our country that made us a model and a light to the world,” Uy said.

“Millions of Filipinos, many of them ordinary and poor, rediscovered their voice and their courage,” he said.

Archbishop Uy described EDSA as a “moment of national awakening,” when Filipinos collectively declared:

“Enough of the abuse of power. Enough of greed and moral decay. Enough of corruption. Enough of governance without conscience.”

He stressed that EDSA taught enduring lessons: that power has limits, that those who abuse it will be held accountable in God’s time, and that a nation’s true strength lies not in weapons but in the moral courage of its people.

| via Mitchelle Palaubsanon #TheFreeman #Cebu

https://www.facebook.com/share/p/1C5oWqcmBu/?mibextid=wwXIfr

Univerity of the Philippines Diliman

Philippine Collegian

LOOK: Various colleges hold simultaneous actions around UP Diliman in observance of EDSA 40.

Despite the classes not being cancelled, each cluster highlighted sector-specific concerns, linking present-day issues to the broader legacy of People Power Revolution.

All clusters are set to assemble at Quezon Hall at 10:00 am before departing to EDSA.

For live updates: phkule.org/article/1892

#EDSA40

https://www.facebook.com/share/p/1BwVaUckau/?mibextid=wwXIfr

The Participants

Jesuit Volunteers Philippines

Jesuit Volunteers Philippines

𝐌𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐢𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐄𝐃𝐒𝐀 𝐏𝐞𝐨𝐩𝐥𝐞 𝐏𝐨𝐰𝐞𝐫!

Students, faith-based organizations, and civil society groups joined EDSA veterans and celebrated heroes to mark the 40th anniversary of EDSA People Power!

It was the perfect day to reminisce, re-ignite, and reaffirm the power of collective action and civil resistance against tyranny and oppression.

#EDSA40 #TayoAngPeoplePower #NeverForget #NeverAgain

 

DZRV 846

DZRV 846   · 

Tingnan: Prayer March at pagdating sa EDSA People Power Monument ng mga kaisa sa Trillion Peso March Movement sa pangunguna ng Simbahang katolika | Via News Advocate Jerry Maya Figarola

#RadyoVeritas

#DZRV846

#AngRadyoNgSimbahan

Inspirational Messages

Winnie Monsod

Bam Aquino

ChristianMonsod

Rogelio Babes Singson

MEDIA COVERAGE

GMA Integrated News

ABS-CBN News