“…Nawala ng pananagutan. Walong taon mula kay Duterte hanggang BBM, ganon din. Ngunit namunga na ang pagsisikap ng ilan na huwag matakot, magsawa, manghina sa pamamahayag at paglaban para sa tama at totoo.
Kayong naririto, bahagi kayo niyan. Tayong naririto at marami pang iba. Hindi naman natin pinangangalandakan ang ating ginagawa, ngunit hindi tayo nang-hinawa. Hindi natin tinalikuran ang pananagutan. Salamat sa mga sumisigaw laban para sa buhay, buhay, buhay. Katarungan, katarungan, katarungan.
Katotohanan, katotohanan, katotohanan. Namunga ang kanilang pagsasakripisyo, pagtataya at pag-aalay ng sarili. Merong higit pang kesa Jonas dito.
Dumarami na mga nagsasalita, naninindigan na nagtataya. Tulad ang sinabi ko kanina. Ang mga pulis na dating inutosan ni Duterte na kill, kill, kill. Sila naman ngayon ang humuli sa Pangulong. Sumira sa kanilang dangal. Dumurog sa kanilang prinsipyo. Binalahura ang kanilang dakilang pananagutan na ipagtanggol ang mga maihina at nanganganib.
Sa hulihan, magwawagi ang katotohanan. Sa hulihan, magwawagi ang pananagutan. At dahil dito, magwawagi at nagwawagi na nga ang katarungan.
Amen.”